Back to Browse

Assorted Biscuits - Dyis

2.8K views
Jan 18, 2022
4:16

Naisip kong gumawa ng tula na tungkol sa bagay na hindi napapansin. Nabuo ko ang Dyis (10 centavos/sampung sentimo). Pinaglaruan ko lang ang rhyme at nakabuo ako ng kuwento. Hindi pa ako masyadong marunong mag-gitara noon kaya nanggaling ang musika kay Jun. Nagbagsak lang siya ng chords at ritmo tapos nalagyan ko na ng tono ang tula. Kaya yan...nabuo ang Dyis. "Ano ang pangalan ng banda natin?" Yan ang sunod na usapan. Walang makaisip pero lumabas ang Assorted Biscuits dahil assorted naman daw ang mga gusto naming musika. Kaninong ideya nga ba ang pangalan ng banda? Hindi ko na maalala. Ang naalala ko lang ay mga teenager pa kami noon na nangarap na magkaroon ng banda. Matagal na ang kantang ito. Ngayon lang ulit binigyan ng bagong buhay. O, heto na. Ang Dyis mula sa amin-Ang Assorted Biscuits!

Download

0 formats

No download links available.

Assorted Biscuits - Dyis | NatokHD