Iginiit ni Atty. Salvador Panelo na ang pagsuko sa isang mamamayan ay katumbas umano ng pag-alis sa kaniyang kalayaan kaya hindi ito maaaring gawin nang walang tamang proseso ng batas.
“Hindi pupuwedeng basta kang magsusuko ng mamamayan kasi pag sinuko mo ang isang mamamayang Pilipino, and for that matter any foreign national na residente rito, pag isinuko mo ’yan ibig sabihin tinanggalan mo siya ng kalayaan, you surrender that person and you deprived your liberty,'' ani Panelo.