Aking bayang kinagisnan
Ngayon ay nagdurusa
Lahat ay kinakabahan
Sa kahihinatnan ng ating bayan
Sino ba ang dapat sisihin?
Ano nga ba ang dapat unahin?
Lahat ay nangangamba
Tila parang walang maisasalba
Ano nga ba ang plano ng ating gobyerno?
Solusyon ba o sakit sa ulo
Paano na ang mamamayang Pilipino
Hindi na alam kung saan pa tutungo
Tayong lahat ay magkapit bisig
Para sa ating bayang iniibig
Wag na tayong magbulagbulagan
At ating harapin ang katotohanan
Lilipas din ang panahon
Tayo ay muling aahon
Basta’t tayong lahat ay magtutulungan
Ang sakit na ito’y malalagpasan
AKING BAYANG KINAGISNAN