Bahagi ng Panday Buhay Project ang pagbibigay-kaalaman tungkol sa Gender and Development at pagpapataas ng kamalayan tungkol sa usapin ng sex, gender, pagkakakilanlan, at pagkakapantay-pantay.
Ginawa ang bidyong ito upang palalimin pa ang pag-unawa tungkol sa gender equality at pagrespeto sa iba't ibang pagkakakilanlan ng kapwa manggagawa sa lugar ng trabaho.