Huling Tingin
Facebook: https://www.facebook.com/francis.delssu/ Instagram: https://www.instagram.com/jamii_n_self/ Spotify: https://open.spotify.com/album/7hT0Hyy1r49nhmqTdnmrro?si=lsc_tbuLQUO6q8FoQIExGg ---------------------------------------------------------------------------------------------------- Song Lyrics: Sa huling tingin… ikaw pa rin Ikaw pa rin ang pipiliin Kahit alam kong hindi na ako Ikaw pa rin… hanggang dulo May hawak akong bulaklak para sa’yo Plano kitang sorpresahin ngayong araw na ‘to Iniisip ko pa ang sasabihin ko Pero sa’yo pa lang, panalo na ‘ko Kabisado ko bawat daan papunta sa’yo Parang pelikula ‘to sa isip ko Ikaw at ako sa dulo ng eksena Akala ko tayo na talaga Iniisip ko pa kung saan tayo kakain Kung paano kita tatawanan sa simpleng bagay natin Simple lang naman ang gusto ko Makita kang ngumiti, sapat na sa’kin ‘yon Sa huling tingin… ikaw pa rin Ikaw pa rin ang pipiliin Sa bawat hakbang papalapit sa’yo Mas lalo akong sigurado Pagdating ko, may kasama ka na Ibang kamay ang hawak mo na Napatigil ako, hindi makagalaw Parang biglang nag-iba ang mundo ko ngayon Ngiti mo nando’n pa rin Pero hindi na para sa’kin Yung bulaklak sa kamay ko Biglang nawalan ng kulay at amoy Hindi ko alam kung lalapit pa ba O tatalikod na lang nang walang ingay at gulo Kasi sa isang tingin lang Alam ko nang hindi na ako ang pinili mo Sa huling tingin… ikaw pa rin Ikaw pa rin ang pipiliin Kahit hindi na ako ang nasa tabi mo Ikaw pa rin hanggang dulo Hindi ko na ipipilit ang dapat Hindi ko na hahabulin ang wala na dapat Pero kung may babalikan man ang puso ko Ikaw pa rin kahit masakit na totoo Sa huling tingin… ikaw pa rin Ikaw pa rin ang pipiliin Kahit hindi na ako ang nasa mundo mo Ikaw pa rin… kahit hindi ako Iiwan ko na lang ‘tong bulaklak dito Sa lugar kung saan akala ko tayo magtatagpo Hindi man natuloy ang kwento natin At least nakita kita… kahit huling tingin At least nakita kita… kahit huling tingin #music #song #opm #pop #originalmusic #lovesong
Download
0 formatsNo download links available.