sa pagtapos ng taon na ito, gusto kong magpasalamat sa mga taong nakasama ko sa mga bidyo na ito, pati na rin sa mga hindi na-bidyo kasi puno na ang telepono ko.
ginawa ko itong serye ng mga bidyo na ito dahil mahilig ako bumalik, hindi sa tao, kundi sa pagkakaton. pagkakataon na nakasama ko ang mga taong minsang niyakap ng puso ko. mga pagkakataong ngumiti, humakhak, umiyak, nagalit, o kung ano man ang puso ko.
kung kaibigan man kita o kung sino ka man na naririto sa bidyo na ‘to, edi salamat. sana’y napasaya ka ng mga kaibigan ko na puso ng bawat bidyo ng 2025. magkikita pa tayo sa 2026. pramis.