Mac Mafia - Tugon
Mac Mafia - Tugon A Scott Wilson Divinagracia Original Composition Beat Used: Free YBN Cordae x J Cole Type Beat - "Diamonds" Link: https://youtu.be/BhHtuqhDqaY Verse I: Ano bang gawa mo (uh), tara gala tayo(um) Medyo boring dito sa bahay, nakakantok masyado. Pasensya kung nakaabala, tambak na kasi yung problema Andaming gawain at mga takdang-aralin na kailangan gawa na Sige na tara na't pumunta sa pinakadulo ng bundok Tara na't maglakbay at magmanman, maghapong nakatutok Sa ilalim ng mga ulap, takas muna sa realidad na masaklap Pagkat gusto ko munang maglakad (Gusto ko munang maglakad) O kay bilis ng oras tumakbo Di ko namalayan na ako'y nakarating na sa malayo (Yah, yah, yah) Ganito pala ang epekto ng pagbabago Dala ng panahon (Woo) Bakit ba kailangan natin sumunod sa kanilang tugon? (Preach) Bakit ganto nalang palagi ang ating tadhana Tamad akong bumangon at gumising ng maaga Minsan nakakapagod na din na mag isip sa aking kinabukasan kahit alam ko naman ang dahilan pero (pero) Chorus: Kailangang gawin (2x) Kailangang sundin (2x) Kahit pagod,tuloy parin Kailangan gawin (2x) Verse II: Minsan napapaisip din ako Kung ano ba talaga ang hangarin natin dito sa ating mundo Alam ko naman na tayong lahat ay merong papel na ginagampanan Alam ko naman na tayong lahat ay may opinyong pinaninidigan Gusto ko lang sana na makawala sa kadena ng systema Mabuhay ng mapayapa't malayo sa pagka alila ng tadhana Pagkat gusto kong maging malaya mula sa lahat ng paghihirap ng buhay nating masaklap Pero maiba muna tayo Ano talaga ang hangad mo? Kaunlaran sa musika, ba't tagilid 'yang gawa mo? Ginawa mong liriko, maituturing na bang henyo? Bubuo ng kanta para lang masabi na may ginawang bago? (Preach!) Sino ba iyong ginago? (Uh) Wala kang pinagbago! (Um) Paulit-ulit na lang ideya, utak mo barado Buksan ang isip mong sarado, wag mong dibdibin ng masyado Para manalo, kailangan mo muna na dumaan sa pagkatalo Chorus: Kailangang gawin (2x) Kailangang sundin (2x) Kahit pagod,tuloy parin Kailangan gawin (2x) Last Verse: Ano bang gawa mo (uh), tara gala tayo (um) Medyo boring dito sa bahay, nakakantok masyado. Pasensya kung nakaabala, tambak na kasi yung problema Andaming gawain at mga takdang-aralin na kailangan gawa na Mixtape "Ekwalidad" Coming Summer 2020!
Download
0 formatsNo download links available.