Manong - Bas (OLV)
"Manong" Written & Performed by: Basty Beat Remaked by: Clinxy Beats Mixed & Mastered by: GCode Records For collaborations and business transactions, contact me here: Facebook: fb.com/bastygas/ Email: [email protected] Lyrics: [Pre-Verse] Lupang hinirang ko kamusta ka na? Liwanag ng araw sisikat pa ba? Kislap ng bituwin dumidilim na Puso mo sa dibdib may alab pa ba? [Verse1] Nasaan na ba Bakit parang wala Tayong natatamasa kahit onting halaga Mga sariling yaman na hindi na natin ma Dama na dapat tayo ang makinabang pero sa Mga kanya kanyang bulsa nila napupunta Pinaghihirapan ng lahat pero tila sila Ang nakikinabang ng mga dapat ay para sa Ating kababayan na hirap lumaban sa mga Pagsubok sa araw araw akala nila Madali lang lagpasan kasi hindi naman sila Yung mga taong nakikipag laban sa hamon nang buhay Pag hindi kumilos wala na talaga Buhay nila ay tila isang kahid isang tuka Kailangan magbanat upang sila'y may manguya Pilit pinagkakasya ang sahod na barya barya Para sa kagutuman ang pamilya ay maisalba [Hook] Nakakapanghinayang Ano na bang nangyari Hinayaan lang masayang Di na natin namalayang Wala na tayong laban Mga kamay na nakatali't Tila nagbulagbulagan Sa mga kaganapan Na kahit na harap-harapang Garapalang pahirapan 'Di na natin inilaban Pinabayaan nalang (Repeat) [Pre verse] Manong na nakaupo pwede po ba kayong makausap saglet Tungkol lamang naman ito sa mga kababayan natin na gigipet Na lahat ay handang gawin upang ang gutom ay hindi na madanas ulet Dinggin nyo na sana ang kanilang mga hiling at wag nang magmalupet [Verse2] Sa kanila Manhid ba talaga Ramdam pero bakit pikit ang yong mga mata Nagbubulag bulagan kahit sobrang halata Naghihirap nang lahat pero anong ginagawa Pansariling layaw muna ang laging nauuna Ikaw ang inaasahan pero nasaan ka ba Bakit hindi ipakitang nararapat ka sa mga taong nagtiwala sayong mga plano't adhika Hoy manong ano na Hindi pa ba dama Dapat pa ba na ang lahat sayo ay pumuna Kung hindi mo kikilusan ang mga problema na nagaganap sa atin pwedeng tumayo ka na Simula nung maupo presensya mo'y di madama Binilog ang mga ulo sayong mga salita Wala kang pinagiba sa mga naunang nakaupo't pagsasamantala lamang ang tanging nagawa Wala kang nagawa [Hook] Nakakapanghinayang Ano na bang nangyari Hinayaan lang masayang Di na natin namalayang Wala na tayong laban Mga kamay na nakatali't Tila nagbulagbulagan Sa mga kaganapan Na kahit na harap-harapang Garapalang pahirapan 'Di na natin inilaban Pinabayaan nalang (Repeat)
Download
0 formatsNo download links available.