taiwan part 2
Day 3 ng aming Taiwan adventure kasama ang aking asawa at ang mommy namin ay isa sa pinaka masayang araw ng buong trip. Sobrang excited na kami dahil pupunta kami sa isa sa pinaka iconic na lugar sa Taiwan, ang Taipei 101. Pagdating pa lang namin sa area, talagang mapapamangha ka agad sa taas at ganda ng building. Ibang level ang experience, lalo na kapag kasama mo ang pamilya mo. Nag picture taking kami sa paligid, syempre hindi pwedeng mawala ang mga memories na pwede naming balikan sa future. Matapos ang aming pasyal, dumiretso naman kami para tikman ang sikat na ramen sa Ichiran. Matagal na naming gustong ma-experience ito kaya sobrang saya nang finally natry na namin. Worth it ang paghihintay dahil talagang masarap ang ramen nila, from the broth hanggang sa noodles, solid ang lasa. Isa ito sa mga highlight ng trip namin dahil food trip is life talaga kapag nagta-travel. Pagkatapos kumain, nag ikot ikot naman kami para mamili ng mga pasalubong para sa mga mahal namin sa buhay sa Pilipinas. Ang daming pagpipilian, from snacks hanggang souvenirs kaya medyo nahirapan kami pumili dahil gusto namin dalhin lahat. Masarap sa pakiramdam yung thought na may maiuuwi ka para sa kanila kahit malayo ka. Sa gabi, pumunta kami sa night market at dito talaga nag start ang tunay na food trip. Iba talaga ang vibe ng night market sa Taiwan, buhay na buhay, maraming tao, at sobrang daming pagkain na pwedeng tikman. Tikim dito, tikim doon, hanggang sa mabusog na kami. Isa ito sa mga moments na masasabi mong sulit ang pagod dahil sa saya ng experience. Pagdating ng Day 4, medyo chill na lang kami. Binalikan namin ang area ng Taipei 101 at kumain sa Din Tai Fung. Isa na namang food experience na hindi namin makakalimutan. Simple lang ang araw na ito kumpara sa mga nauna, pero sobrang meaningful pa rin dahil kasama namin ang isa't isa. Nag ikot ulit kami sa mall para mamili ng mga remembrance at dagdag pasalubong. Hindi man kasing dami ng lakad nung mga nakaraang araw, pero sapat na para ma enjoy pa rin ang huling full day namin sa Taiwan. Habang papalapit ang last day, unti unti na naming nararamdaman ang lungkot dahil matatapos na ang aming trip. Parang ayaw pa naming umuwi dahil sobrang nagustuhan namin ang Taiwan. Malinis, maayos, mababait ang mga tao, at ang daming pwedeng gawin at puntahan. Napag usapan pa nga namin ng misis ko na paano kaya kung mag apply kami ng work dito. Ganun kami na inlove sa lugar. Sa huling araw namin, halo halong emosyon ang naramdaman namin. Masaya dahil sa lahat ng experiences, pero malungkot dahil kailangan na naming umuwi. Habang papunta kami sa airport, napapaisip kami na hindi ito ang huling beses na bibisita kami dito. Isa ang Taiwan sa mga bansang babalik balikan namin. Maraming salamat Taiwan sa napakagandang experience. Sa pagkain, sa lugar, at sa mga alaala na hinding hindi namin makakalimutan. Hindi ito goodbye, kundi see you again. Pangako, babalik kami.
Download
0 formatsNo download links available.