Tunay
1 Juan 4:9-10 [1 John 4:9-10] Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya. Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan. Tunay by Ministry of Christ's Great Commission Church Inc. Words & Music by Alphabet Giron © 2025 MCGC All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photography, recording or any information storage or retrieval system, without permission in writing from Ministry of Christ's Great Commission Church Inc.. [Verse 1] Dati ang puso'y bigo at walang patutunguhan, Hinanap ang pag-asa sa mundong may kalabuan. Ngunit dumating Ka, liwanag ang Iyong dala, Kaya't sa Iyo lang, ang buhay ko'y nakatuon na. [Chorus] Sa'yo nagmula ang pag-ibig na walang hanggan, Sa Iyo Hesus, ang puso ko'y nabigyan ng daan. Wala nang takot at wala nang alinlangan, Dahil alam kong tunay na Mahal Mo Ako! [Verse 2] S'ya lang ang lunas sa bawat kalungkutan, Kalooban Mo ang nais kong sundan. Lakas at pag-asa, sa'Yo nanggagaling, Pag-ibig Mo Hesus, ang tanging hiling. [Chorus] Sa'yo nagmula ang pag-ibig na walang hanggan, Sa Iyo Hesus, ang puso ko'y nabigyan ng daan. Wala nang takot at wala nang alinlangan, Dahil alam kong tunay na Mahal Mo Ako! [Bridge] Wala nang hihigit pa sa Iyong ginawa, Dahil sa krus, kaligtasa'y nakamit na. Kahit magbago pa ang takbo nitong mundo, Mananatili ang pag-ibig ko sa'Yo! [Chorus] Sa'yo nagmula ang pag-ibig na walang hanggan, Sa Iyo Hesus, ang puso ko'y nabigyan ng daan. Wala nang takot at wala nang alinlangan, Dahil alam kong tunay na Mahal Mo Ako! [Outro] Tunay na tunay, Mahal Mo Ako... Tunay na tunay, Mahal Mo Ako...
Download
0 formatsNo download links available.